katuwang

 

Ang 100% KATOLIKONG PINOY! ay kumakatok sa inyong mga puso upang maging bukas palad ngayong Pasko.

Katulad ng iba pang paglilingkod sa Diyos, ang aming paglilingkod sa internet ay hindi din nawawalan ng panahon ng alanganin at problema. Madalas kailangang masuportahan ang aming online presence sa pamamagitan ng gastusin, katulad ng website na ito at ng paggamit ng internet services. Kailangan din naming matugunan ang pangangailangan ng aming mga nasa creatives na siyang gumagawa ng aming pinapaskil. Balakid din ang kakulangang ito sa pagsulong ng iba pa naming mga programa at pangarap sa paglilingkod. Isa na rito ang misyon naming tulungan ang mga mahihirap sa lansangan – ang maging KAPILING nila.

Inaanyayahan namin kayo na magbahagi ng inyong biyaya para sa ministri na ito. Makapag-pasya sana kayong magdonate sa amin, nang sa gayon ay maging maayos ang pagpapatuloy natin sa pagbibigay impormasyon at inspirasyon sa mga kaluluwang maaari pa nating maabot online.

I-Fill up lamang ang form na nasa ibaba. O maaari kayong magtext ng KPDONATE (space) AN INYONG MENSAHE, at itext sa 09493159352.

Ang inyong mga personal information ay titiyakin naming confidential at hindi mabubunyag sa madla.

Maraming salamat sa inyong pagiging mapagbigay at bukas-palad. Ang Panginoon ang Siyang dumagdag sa inyong kakulangan!