Paanyaya: Maghanda ng Advent Meal ngayong Unang Linggo ng Adbiyento

Ang panahon ng Adbiyento ay panahon ng paghahanda. Isang akma at mas maka-Pinoy na paraan ng paghahanda ay sa pamamagitan ng handaan o pagkain.

Ang Advent Meal ay inimumungkahi ng 100% KATOLIKONG PINOY! upang maging espesyal ang pagsalubong sa Adbiyento sa pamamagitan ng pagluluto at pagkain. Ayon sa Catechism for Filipino Catholics, tayong mga Pilipino ay likas na mahilig sa pagkain. Ayon sa sipi, we love to celebrate any and all events with a special meal.

We Filipinos are meal-oriented (salu-salo, kainan). Because Filipinos consider almost everyone as part of their family (parang pamilya), we are known for being gracious hosts and grateful guests. Serving our guests with the best we have is an inborn value to Filipinos, rich and poor alike. We love to celebrate any and all events with a special meal. Even with unexpected guests, we Filipinos try our best to offer something, meager as it may be, with the traditional greeting: “Come and eat with us.” (Tuloy po kayo at kumain muna tayo.) (pp. 37)

Bilang pagtugon sa special meal na tinutukoy rito, ating gaganapin ang Advent Meal.

1. PAANO INIHAHANDA ANG ADVENT MEAL?

Ang Advent Meal ay inihahanda sa payak na paraan. Ito ay alinsunod sa gawi ng Simbahan na magkaroon ng payak na saya sa Adbiyento.

2. KAILAN MAAARING KAININ ANG ADVENT MEAL?

Ito ay maaaring kainin ng anumang bahagi ng araw sa Unang Linggo ng Adbiyento.

3. ANU-ANO ANG KATANGIAN NG ADVENT MEAL?

May tatlong katangian dapat na taglayin ang pagkaing ihahanda. Ito ay ang BILUGAN, BERDE at MAINIT.

Ang bilugang pagkain ay nagsasaad ng PANANAMPALATAYA, balanse at walang hangganan o limitasyon. Kabilang sa mga bilugang pagkain na maaaring ihanda ay ang itlog, itlog na pula, longganisa, embotido, meatballs, siopao, siomai,

Ang berdeng mga pagkain ay nagsasaad PAG-ASA. Halimbawa sa mga berdeng pagkain ay mga putaheng gulay o panghimagas na prutas.

Ang mainit na pagkain ay sumisimbolo sa init ng PAG-IBIG. Ito ay anumang pagkaing karne o may sabaw o sarsa.

4. SINU-SINO ANG KAKAIN NG ADVENT MEAL?

Ang mananampalatayang nagdiriwang ng pagpasok ng Adbiyento at nagbibigay halaga rito ay kakain ng Advent Meal. Ang Advent Meal ay maaaring kainin nang mag-isa o may kasama. gaya ng mga kaibigan, pamilya, katrabaho o kapisan sa organisasyon.

Kampanya ng 100% KATOLIKONG PINOY!

Ang 100% Katolikong Pinoy Facebook page ay tatanggap ng mga ipinasang litrato o kuha ng mga ibinibili o inilulutong sangkap para sa inyong Advent Meal. Ipinapaskil din ng naturang fan page ang mga litrato ng putahe, mga litrato ng kumakain o nagsasalu-salong pamilya o magkakaibigan. Mag-private message lamang sa official Facebook page ng 100% Katolikong Pinoy o di kaya ay i-tag ang aming official Instagram o Twitter sa username na @katolikongpinoy.

Maaari din ninyong i-submit ang inyong mga litrato sa katolikongpinoy@gmail.com

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa Facebook album ng 100% KATOLIKONG PINOY! sa pamamagitan ng pagpindot sa link na ito: http://www.facebook.com/katolikongpinoy/adventmeal

Did you like this? Share it:

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *